Kahit Kaunti Lang Naman Po, Makabawi lang sa Pamilya
Jul 21, 2024
Kalamayin po
ang pusong nangangamba.
Hiling na biyaya’y,
bakit kayhirap makuha?
Hindi naman po
kailangan ng sobra.
Kahit kaunti,
makabawi lang sa pamilya.
Takot, pagkabigo’y,
nakakapanghina.
Bago man lang po sumuko’y,
mapasaya sila.
More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)
List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.
Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
May Sapat na Oras ka Para Sulitin ang Regalo ng Panginoon
Subukan mo pa rin.
Dahil may sapat na oras ka
para sulitin ang regalo ng Panginoon.
Huwag na huwag mong sasayangin.
Kahit Madalas Bigo, Andyan Silang Unang Nagbibigay Yakap
Pagod sa pag-abot ng
mga pangarap.
Pero sa pamilya’y
nakangiti pa ring haharap.
Dahil,
Kahit madalas bigo
sa tinatahak.
Andyan silang
unang nagbibigay lakas at yakap.
Kapit Lang Tayo sa Panginoon Upang Maibsan ang Takot
Di alintana ang pagod
sa maghapong pagkayod.
Walang wala yun
kumpara sa nadaramang bagot.
Kalungkuta’y kaydalas
makapanghina ng loob.
Kapit sa Panginoon
upang maibsan ang takot.
Panginoon, Yakapin Mo Po Kaming mga Nagsisiksikan sa Lamig
Panginoon, Yakapin Mo po kaming
mga nagsisiksikan sa lamig.
Bigyan ng lakas upang
harapin ang daluyong ng langit.
Nangangarap Kahit Simpleng Buhay Para Lang Di Mahusgahan
Nalilito dahil
puro pagkukulang.
Kahit anung pilit,
bigo pa rin sa inaasam.Nangangarap,
na kahit simpleng buhay lang.
Masabi lang na nakasabay
para di husgahan.
advertisement
continue reading below
Kapag Hindi Patas ang Mundo, Inaalala ko ang mga Ngiti Mo
Kapag ramdam kong hindi patas
ang mundo,
inaalala ko ang mga ngiti mo.Hindi man panalo sa araw na ito
alam kong sa susunod, kakayanin ko.Dahil sa pag-uwi,
ang yakap mo ang premyo ko.
May Biyayang Sigla ang Unang Araw ng Panibagong Buwan
May biyayang sigla
ang unang araw ng panibagong buwan.
Sabik na kong kalimutan
ang mga mali nung nakaraan.
Panginoon, Hiling Po'y Kaunting Kapanatagan ng Loob
Hiling po’y kaunting kapanatagan ng loob.
Upang maibsan ang lungkot na dulot ng pagod.
Sa mga pagsubok na parang nakakalunod.
Dalangin po naming, ang nais Mo ang masunod.O kaya minsan po’y umambon ng unli saho…
Nadarama ang Biyaya ng Langit Kapag Nakakapit Sayo
Dahil sa tuwing
kakapit Sayo ng mahigpit.
Nadarama ng buo
ang biyaya ng langit.Limot ko ang layo,
ang lungkot ay nawawaglit.
Saglit kong panalangin,
ligaya ang kapalit.
Bawat Patak ng Ulan ay Nagpapaalala ng Iyong Pag-iwan
Malungkot na
ang himig ng ulan.
Bawat patak
ay nagpapaalala ng iyong pag-iwan.
Mga pangako mong
inanod lang.
Sana sa pag-araw,
madali na rin kitang malimutan.
advertisement
continue reading below
Para sa Pangarap ng Pamilya, Buhay Lagi ang Pag-asa
Salamat po sa linggong
may biyayang pahinga.
Malungkot ma’t
malayo sa mahal kong pamilya.
May ngiti ko pa ring haharapin
ang umaga.
Para sa pangarap,
buhay lagi ang pag-asa.
Humihina na Ako, Hindi ko na Kayang Matulog ng Todo
Humihina na ko,
hindi ko na kayang matulog
ng lagpas 720 minuto. -sad-
Panibagong Lungkot na Papawiin Nalang Uli sa Pagkayod
Panibagong umagang may lungkot,
papawiin nalang uli sa pagkayod.
Takasan ang sakit at magpagod.
Para tulog nalang luluha sa kumot.
Panginoon, Minsa'y Mahina Ngunit Buo ang Tiwala
Panginoon,
hindi naman ako sumusuko.
Minsa’y mahina’t
natatakot lamang mabigo.
Ngunit buo ang tiwala
sa Iyong pangako.
Nakangiti pa ring sasabay sa alimpuyo.
Kapag Nawawalan ng Pagasa Iniisip ko ang Iyong Paalala
Sa mga araw na
di umaayon ang tadhana.
Nakapikit kong iniisip
ang yong paalala.
Na NGUMITI PA RIN
at WAG MAWALAN NG PAG-ASA.
Dahil minsan,
hindi talaga parating masaya.
Basta huminga ng malalim
at mag…
advertisement
continue reading below