QuotetastropheLife-Learned Lessons in Quote Images & Videos

Connect with us on Facebook.

P.S. I wonder how many fireflies tsParticles released in our backyard?

Kung Para sa Pamilya'y Kayang Magtiis, Mabigay Lang ang Nais

More Quotes Posters About Inspirational(Tagalog)

Inspiring tagalog quotes to help keep our spirits high. Enjoy inspirational quotes in tagalog that will help uplift and encourage us to continue moving forward. Learn and share the resilience of the Filipino culture.

Here are more quotes posters about inspirational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.


May Karapatan pa nga ba Akong Mag-aksaya ng Tubig?

1 like

Panay ako reklamong mainit.
Kaya pa naman ding magpalamig.
Bulag sa kalagayan ng ilang
ni iinumin walang maigib.

May karapatan pa nga ba kong
mag-aksaya ng tubig?


Panginoon, Tulungan Mo po Akong Harapin ang Kalungkutan

1 like

Panginoon...
Tulungan Mo po akong harapin,
mga nakalaang kalungkutan.
Patnubaya't turuang sinupin,
pinangako Mong kaligayahan.


Salamat Inay sa Walang Sawang Dalangin Para Saking Tagumpay

1 like

Salamat po Inay
dahil palagi kang nakagabay.
Mabalewala ma’y
wala paring sawang umagapay.
Busilak mong puso
na saki’y palaging naghihintay.
Walang pagod sa pagdalangin
para saking tagumpay.


Para sa Kaginhawaan, Nakangiting Magsisikap at Magtitiwala

2 likes

Pagod na katawa’t matibay na pusong
nagsasakripisyo para sa pamilya.
Mapahikbi ma’y hindi pa rin susukong
abutin ang pangarap ng buong sigla.

Para sa kaginhawaan,
nakangiting magsisikap at magtitiwala.


Dahil Laging may Pangakong Bukas Para sa Naghihintay

5 likes

Panghuli…
Subukan mong makuntento,
iwasan mo ang inggit at pagkaganid.
Madalas mang kayong talo’y,
salamat pa ding malayo sa panganib.

Dahil laging may pangakong bukas.
para sa umaangkin at naghihint…



Napapawi ng Inaasam na Ngiti

11 likes

Napapawi ng
inaasam na ngiti.
Ang pagod at mga
pangit na sandali.

Titiisin anumang pighati.
Basta yakapin mo ko paguwi.


Salapi ang Katumbas ng Paulit-ulit na Ruta

7 likes

Salapi ang katumbas ng paulit-ulit na ruta.
Minsa'y nakakasawa, minsan pa'y nakakadismaya.
Pero kaibigan, kapit lang, magpatuloy, mag-tyaga.
Wala man ngayong nilaga, ligtas pa ri't pinagpala.


Totoong Mapalad ang Nagpapakababa

6 likes

Totoong mapalad ang NAGPAPAKABABA
hindi sa kadahilanang sila'y ITINATAAS.
Kundi dahil NAMUMUKOD TANGI ang ganda't
biyayang sinasaboy sa kanila ng MAYKAPAL.


Dahil sa Ilang Tunay na Kaibigan

7 likes

Hindi yan sa kung gaano karaming
bote ang kinailangang itumba
para lamang mabuo ka.
Kundi dahil sa ilang tunay na kaibigang
nagtiyagang itulak ka sa panahong
walang wala ka na.
Kaya wag mong piliing mag-isa, PAHALAG…


Binago ng Panahon Pero Nakatatak pa rin ang Saya ng Kahapon

8 likes

Binago tayo ng panahon.

Yung mga dating puro tagay,
binigyan ng pagkakataon.
Mag-tyagang kunin ang tagumpay,
pagsikapang muling bumangon.

Humina man tayong tumagay,
nakatatak pa rin sa'tin ang saya ng kahapon.…



Panginoon, Gawin Mo Akong Makabuluhan

7 likes

Panginoon, gawin Mo
akong makabuluhan sa araw-araw.
Tulungan Mo akong pasayahin ang
aking magulang, kapatid at mga kaibigan.
Amen