Kung Para sa Pangarap at Ngiti Nila'y Pag-iipunan Ko
Jul 29, 2024
Gusto ko bago
para sa mga anak ko.
Para masabik sila
sa mga araw na ganito.
Hindi naman siguro yabang
ang tawag dito.
Kung para sa pangarap at ngiti nila'y
talagang pag-iipunan ko.
More Quotes Posters About Inspirational(Tagalog)
Inspiring tagalog quotes to help keep our spirits high. Enjoy inspirational quotes in tagalog that will help uplift and encourage us to continue moving forward. Learn and share the resilience of the Filipino culture.
Here are more quotes posters about inspirational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Talo na Sana Ako Kung Sinukuan Ko ang Pananalangin
Talo na sana ako,
kung sinukuan ko
ang PANANALANGIN.
Buti may Panginoong,
KUMAKAMPI
sa may mabuting hangarin.
Kung Natakot ka sa Karma Hindi ka Maiiwang Mag-isa
Kung natakot ka sana sa karma,
hindi ka maiiwang mag-isa.
Kung dati palang dininig mo na
ang kaniyang pagmamakaawa.
Tangan mo pa rin sana
ang dalangin nya.
Salamat July, Kita Tayong Muli Pero Wala na Sanang Bagyo
Salamat July
sa mga natutunan ko.
Magkikita tayong muli,
pero wag ka nang magsama
ng bagyo.
Sa Mundong May Lamangan Tuloy Parin sa Patas na Laban
Kapag walang bilang
ang pinaghirapan.
Tumingin nalang
sa iyong natutunan.
Sa mundong minsa’y
normal lang maglamangan.
Sana’y patuloy ka pa rin
sa patas na laban.
Espesyal ang Linggo Kapag Kasama ang Pamilya at Panginoon
Nagiging espesyal ang Linggo,
kapag sinama mo ang pamilya at
ang Panginoon sa pahinga mo.
advertisement
continue reading below
Tayo't Bulag at Manhid sa Sugat ng Kalikasang Lumalala
Alam nating malupit
magturo ang TADHANA.
Ngunit tuloy pa rin tayo
sa PAGBALEWALA.
BULAG sa
sugat ng kalikasang lumalala.
MANHID sa pag-akalang
WALA NANG MAGAGAWA.
Makakalimutan ang Panahong Ika'y Minamahal at Iginagalang
Magsawalang-kibo,
dahil sanay na ring mabigo.
Magpapakumbaba,
dahil yun lang ang magagawa.
Magbakasakali,
aasang maging ayos muli.
Makakalimutan,
na may panahong
ika’y minamahal at iginagalang.
Masambit Lang Sana ang Paalam na Hindi Ko na Nasabi Pa
Mas bumigat ang pagtapak
sa daang pinangarap nating dalawa.
May lungkot na nga’t pag-iyak
ngunit tuloy pa rin sa nasimulan na.
Dalangin nalang sa sulok
na kahit sa panaginip, makita ka.Masambit ko man lang…
Tila Malungkot din ang Ulan Kapag Hindi Napakinabangan
Tila malungkot din ang ulan
kapag napadpad siya
sa hindi siya mapapakinabangan.
Parang puso kapag iniwan,
takot ng magtiwala’t
ayaw ng maligo pag nasa bahay lang.
Nakakatamad Kapag Wala Ka sa Tabi na Nagpupumilit
Nakakatamad
kapag tahimik,
kapag mainit,
kapag wala ka sa tabi
na nagpupumilit.
Pangitiin ang tulad kong
palaging magulo ang pag-iisip.
Nakakatamad.
advertisement
continue reading below
Dasal na Lahat Damay sa Hiling na Kapayapaan at Grasya
Bihira lang akong magsimba.
Pero pag ako nagdasal, lahat damay
sa hiling na kapayapaan at grasya.
Miss Universe mindset ba.
Mga Unggoy na Nagkukuwento ng Problema sa Inuman
Panay may pamilya na
ang aking mga kaibigan.
Kumbaga sa kwento ng pagong at kuneho,
ako ang pagong na laging naiiwan.
At sila?
Sila yung unggoy
na nagkukuwento ng problema
kapag may inuman.
Panginoon, Salamat po sa Hindi mo Pagtatampo
Panginoon, salamat po
sa hindi Mo pagtatampo
pag nakakalimot ako.
Ramdam ang Masamang Motibo ng Taong Hayok sa Respeto
Ramdam ang masamang motibo
ng taong hayok marespeto.
Kunyaring mabait ang palalong,
aninag ang sungay sa anino.
Handog sa Kasunod Ala-ala ng Likas na Yamang Napudpod
Kapag wala ng kulay MALUNGKOT.
Parang hindi na rin mabango ang talulot.
Ihahandog sa bago’t susunod.
Ala-ala ng likas na yamang napudpod.
advertisement
continue reading below