Mapalad at Mahal ng Maylikha ang Laging Nagpapakababa
Nov 15, 2024
Totoong mapalad
ang NAGPAPAKABABA
hindi sa kadahilanang
sila'y ITINATAAS.
Kundi dahil
NAMUMUKOD TANGI
ang biyaya't aral na sinasaboy sa kanila
ng MAYLIKHA.
More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)
List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.
Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Bilog ang Mundo Kaya Huwag Matakot Bumangon at Matuto
Kaya hayaan ang pagkabigo.
Huwag matakot bumangon at matuto.
Punasan ang matang namumugto.
At pag Sabadong walang pasok, maligo.
Kahit Malayo pa ang Buhay sa Pangarap na Gustong Matupad
Susubok at mananatiling nagpapasalamat.
Kahit maging mahirap pa ang lahat.
Kahit di na makausad paangat.
Kahit wala ng makitang matapat.
Kahit malayo pa ang buhay
sa gustong pamagat.
Tiyak Gagaan Din ang Paghinga't Matutuyo ang mga Luha
Tiyak GAGAAN din yang paghinga’t
matutuyo ang LUHA sa punda.
Idaan sa DASAL ang hinuha’t,
GUMISING, kasi nga tanghali na.
Magtiwala Lang, Pag Nabigo Meron Namang Bagong Umaga
Huwag pigilin ang luha.
Pag lito, magdasal.
Puso’y bigyang laya.
Magtiwala lang na kaya.
Pag bigo,
meron namang bagong umaga.
Panalanging Kong Mapasaya at Makapiling sa Araw-araw
Panginoon,
gawin Mo pong makabuluhan
ang aking paggising.
Dalangin pong,
mapasaya ko
ang aking mga mahal sa buhay,
at laging makapiling.
Amen
advertisement
continue reading below
Ilapit sa Diyos para Mabawasan ang mga Dalahin
Pakibawasan ang galit
sa paghinga ng malalim.
Kung idadaan sa dasal,
mas gagaan ang damdamin.
Pinagpala ang nagtitimpi’t
may mabuting hangarin.
Ilapit sa Diyos para mabawasan
ang dalahin.
Dinadaan sa Panalangin ang Mabibigat na Pasanin
Dinadaan sa dalangin
ang mabigat na pasanin.
Kung mabuti ang hangarin,
sagot ng D’yos ang dalahin.
Lord, Salamat Palagi sa Pagmamahal na Walang Katumbas
Sa araw-araw na
panibagong lakas.
Sa biyaya sa
lumalaban ng patas.
Sa kaligtasang dulot ng
‘Yong pagbasbas.
At sa pagmamahal Mong
walang katumbas.
Nagpapatuloy at Nangangarap na Lamang Ngumiti sa Umaga
Nagpapatuloy
kahit di na masaya.
Tinutulak na lang din
ng alaala.
Nangangarap
nang ngumiti sa umaga.
Na dati’y kusa na,
noong nandyan ka pa.
Sunod-sunod man ang Kalamidad, Hindi pa din Magpapatinag
Sunod-sunod man
ang dagok ng kalamidad.
Buo pa rin ang pusong
di nagpapatinag.
Lugmok man
sa kahirapan at realidad.
Tiwala pa din sa ‘Yong
Gabay at Liwanag.
advertisement
continue reading below
Mamahalin ko Sarili ko Tutal Magkasama Naman Kaming Nabibigo
Mamahalin ko nalang
ang sarili ko.
Tutal magkasama naman
kaming nabibigo.
Ulirang testigo,
karamay ‘gang dulo.
Mat’yagang bumubulong na
“alam kong kaya mo”.
Tatawanan din ang Kahapon at Magbubunga ang Hindi Pagsuko
Tatawanan din ng bukas
ang kahapon.
At magbubunga ang paulit-ulit
na pagbangon.
Mga di sinukuang
pagkakataon.
Magsusukli ng ginhawang
galing sa Panginoon.
Minsan, May mga Bagay Talagang Gusto na Hindi Makukuha
Minsan,
may mga bagay ka talagang gusto,
na hindi mo makukuha.
Samantalang ako, madalas.
Lilipas din ang Lahat at Iibig ng Malaya sa Sariling Sumbat
Lilipas din naman
ang lahat.
Malilimutan ang hapdi,
kahit pa lumamat.
Matututo
kung anung dapat.
At iibig
ng malaya sa sariling sumbat.
Sa Pagdilim ng Kalangitan, Lagi nalang Kinakabahan
Panibagong bagyo na naman.
Sa pagdilim ng kalangitan,
lagi nalang kinakabahan.
Pero kinakaya din naman.
Tiwalang may masasandalan.
Tiwalang kami’y ginagabayan.
Tiwalang ito’y pagsubok lang.
advertisement
continue reading below