Natatakot sa Kahihinatnan ng Mundong Kabi-Kabilaan ang Gulo
Oct 03, 2024
Natatakot sa
kahihinatnan ng mundo.
Kung kabi-kabilaan na
halos ang gulo.
At parang malabo sa
tanaw magkasundo.
Ano na nga bang
isasahog ko sa munggo?
More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)
List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.
Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Sunod-sunod man ang Kalamidad, Hindi pa din Magpapatinag
Sunod-sunod man
ang dagok ng kalamidad.
Buo pa rin ang pusong
di nagpapatinag.
Lugmok man
sa kahirapan at realidad.
Tiwala pa din sa ‘Yong
Gabay at Liwanag.
Mamahalin ko Sarili ko Tutal Magkasama Naman Kaming Nabibigo
Mamahalin ko nalang
ang sarili ko.
Tutal magkasama naman
kaming nabibigo.
Ulirang testigo,
karamay ‘gang dulo.
Mat’yagang bumubulong na
“alam kong kaya mo”.
Tatawanan din ang Kahapon at Magbubunga ang Hindi Pagsuko
Tatawanan din ng bukas
ang kahapon.
At magbubunga ang paulit-ulit
na pagbangon.
Mga di sinukuang
pagkakataon.
Magsusukli ng ginhawang
galing sa Panginoon.
Minsan, May mga Bagay Talagang Gusto na Hindi Makukuha
Minsan,
may mga bagay ka talagang gusto,
na hindi mo makukuha.
Samantalang ako, madalas.
Lilipas din ang Lahat at Iibig ng Malaya sa Sariling Sumbat
Lilipas din naman
ang lahat.
Malilimutan ang hapdi,
kahit pa lumamat.
Matututo
kung anung dapat.
At iibig
ng malaya sa sariling sumbat.
advertisement
continue reading below
Sa Pagdilim ng Kalangitan, Lagi nalang Kinakabahan
Panibagong bagyo na naman.
Sa pagdilim ng kalangitan,
lagi nalang kinakabahan.
Pero kinakaya din naman.
Tiwalang may masasandalan.
Tiwalang kami’y ginagabayan.
Tiwalang ito’y pagsubok lang.
Maliwanag na Muli ang Daan Tungo sa Pangarap na Naiwan
Maliwanag na muli ang daan
tungo sa pangarap na saglit naiwan.
Pagkakatao’y di bibitawan.
Kung nais ng puso’y dapat paghirapan.
Dahil May Nakalaan Kang Sinag na Magniningning Balang Araw
Hindi nawawalan
ng kwenta ang ulan.
Nagbibigay pa rin ito
ng pag-asa sa mga halaman.
Di nawalan ng kwenta
ang tuyong dahon.
Nagbibigay ito ng sustanya
para sa bagong usbong.
Di rin mawawalan ng halaga
Hindi Laging Tagumpay, Payapa Lang na May Ikinabubuhay
Panalangin Po
para sa simpleng buhay.
Hindi umaasang
palaging tagumpay.
Payapa lang
na may ikinabubuhay.
Uuwing pagod
pero may naghihintay.
Nagsasalo-salo sa kaunti,
sa loob ng ligtas na bahay.
Ilang Gabing Binabagabag ng Takot na sa Isipa'y Dumadarag
Nasabik makita
ang Iyong liwanag.
Ilang gabi ring kasing
puso’y binabagabag,
ng takot na sa
isipa’y dumadarag.
Panalangin na kahit saglit
ay pumanatag
at muli’y makasunod
sa ’Y…
advertisement
continue reading below
Magkakaibang Bubong, Iisang Dasal ang Sati'y Magpapayong
Magkakaiba man tayo ng bubong.
Iisang dasal ang sati’y papayong.
Magkakasama sa isang daluyong.
Iisang pusong di takot sumulong.
Kakayanin ang Unos Basta sa Patnubay ng Panginoon Nakasandig
Kakayanin itong unos
ng magkakapit-bisig.
Basta yakapin Mo po kaming
mga nilalamig.
Madalas mang panghinaan,
pero di padadaig.
Sa patnubay ng Panginoon,
laging nakasandig.
Kami Po'y Iyong Samahan sa mga Pagsubok na Pagtatagumpayan
Panginoon,
kami po’y Iyong patnubayan.
Sa mga daluyong, kami po’y alalayan.
Punan ang mga pagkukula’t kahinaan.
At samahan sa mga pagsubok na
aming pagtatagumpayan.
Papayapa Din ang Umaga't Makukuntento na sa Timpla
Papayapa din ang umaga.
Tipong kuntento na sa timpla.
Kahit kaunti, maligaya.
Pinili Kong Mapag-isa, Para Marinig Ko ang Sarili Ko
Pinili kong mapag-isa,
para kahit papano’y marinig ko
ang sarili ko.
Mabawi lang ang tiwala,
na matagal inangkin
ng pagkamakasarili mo.
Makalaya sa pangamba
na unti-unti na palang kumukulong
sa puso …
advertisement
continue reading below