Pursigidong Lahat ay Itaya sa Pangarap Nilaan ang Mata
Oct 02, 2024
Nangangarap lang
maging masaya.
Pursigidong lahat ay itaya.
Sa pangarap nilaan ang mata.
Ang ngayon ay binabalewala.
Nakalimutang walang kontrata
na magbabalik sa lumipas na.
Kung nakuntento na nga lang sana
baka sa oras na to’y kayo pa.
More Quotes Posters About Inspirational(Tagalog)
Inspiring tagalog quotes to help keep our spirits high. Enjoy inspirational quotes in tagalog that will help uplift and encourage us to continue moving forward. Learn and share the resilience of the Filipino culture.
Here are more quotes posters about inspirational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Alam Ko ang Halaga Ko, Dahil Lagi Mong Pinapaalala
Kahit hindi ako ‘sing
tayog ng iba.
Kahit madalas talo
sa kumpetensya.
Kahit malayo ang sarili sa
pinapantasya.
Kahit ‘di ako ang pangarap
nilang makasama.
Alam ko ang halaga ko,
dahil lag…
Masaya at Di Alintana ang Hirap Basta Gabay ng Diyos
Masaya lang nagpapaagos.
Wala na sa isip
kung kailan ba matatapos.
Tiwala lang na maaayos.
Di alintana ang hirap basta
gabay ng Diyos.
Ang Iyong Ngiti ang Inspirasyon sa Pangarap na Itataguyod
Lahat ng ipong lungkot,
tila inaanod.
Palayo sa pusong
hirap sa pagkabukod.
Dahil sa’yong ngiti
nakakaya ang pagod.
Inspirasyon sa pangarap
nating itataguyod.
Malinaw pa rin sa Gunita Kahit Matagal ng Tunaw ang Kandila
Yumayakap
sa mga naiwang alala.
Kahit alam na sa sariling
‘di na magkikita.
Gumuguhit pa rin
ang ngiti mo sa gunita.
Kahit matagal ng natunaw
ang iyong kandila.
Naghihinayang na Wala na ang Ngiti mo sa Paligid
Kasabay ng paglilinis
ng lugar kung saan ka huling hinatid.
Ay pagbalik ng matamis
na alaalang matagal naisilid.
Nawala man ang hinagpis,
hinayang pa ring
wala na ang ngiti mo sa paligid.
advertisement
continue reading below
Gigisingin ng 'Yong Ngiti na Pawi na ang Takot at Pangamba
Halos maluha tuwing gabi
habang kinakalkula
kung meron pang pag-asa.
Nasasayang na ang sandali
sa pag-iisip kung
may lunas pa sa pangamba.
Makatulog ng may pighati,
baka kinabukasa’y may hatid ng ligaya.<…
Makikinig sa mga Kwento ng Buhay Natin na Naipanalo
Hindi pala nagbabago
ang ninanais ng puso.
Nakiuso lang,
pero babalik din sa lumang tono.
Nakibagay,
pero sabik pa rin sa dating pagsuyo.
Hinahanap-hanap
ang tawanan sa lilim ng puno.
At inaasam na lang na…
Manalangin, Nandiyan Lang Siya, Hindi Mo Lang Pinapansin
Nandiyan na pala
di mo lang napansin.
Nagpadala sa mga alalahanin.
Nagsayang ng puyat sa mga isipin.
Nakaligtaang magsingit ng dalangin.
Nawalan ba ng tiwala na didinggin?
Nandiyan lang Siya,
di mo lang pinansi…
Mundo Ko'y Mananatiling Nakatigil Para Iyong Maabutan
Hindi nalang didilat
para di maliwanagan.
Hahayaang tunaw ang puso
para di na mapakinabangan.
Tumuloy man ang oras
sa kanyang nakagawian.
Mundo ko’y mananatiling nakatigil
para ‘yong maabutan.
Pang-unawa, Minsan Kulang, Ngunit Mas Madalas Wala
Pang-unawa,
Minsan kulang, mas madalas wala.
Sa mundong uso ang kanya-kanya.
Biyaya ang mayroong pamilyang
palaging sa’ti’y nagpaparaya.
advertisement
continue reading below
Mga Gurong Tulay at Pag-asa sa Bansang Bitin sa Pribilehiyo
Di matatabunan ng kontrobersiya
ang kanilang pusong nagsasakripisyo.
Sa larangang nagmumulat ng konsensya
minsa’y pagdadamutan pa ng saludo.
Dedikadong gumabay at umunawa
kahit pa minsa’y kulang sa benipisyo.…
Mundong Nabagal ang Ikot Kapag Tangan Mo ang Sakit
Puro negatibong sagot
sa mga tanong na “bakit?”.
Dating malaya sa poot
ngayo’y galit ang nalapit.
Mundong nabagal ang ikot
kapag tangan mo ang sakit.
Pangambang magpapalungkot
hanggang mawala …
Walang Pag-asang Mabago ng Dalangin ang Hindi Takot Makarma
Pinili ko na lamang lumingon
para di na tumulo ang luha.
Pagod na sa nagawang delusyon
na magiging pag-ibig ang awa.
Ilang sampal ng realisasyon
bago natantong walang pag-asang,
mabago ng dalangin ang taong
hin…
Manhid, Pero sa Sumbat, Puso'y Di Makapagbingi-bingihan
Sugat-sugat sa
nilalakarang daan.
Tinitiis, hapdi ng
bubog ng nakaraan.
Kung sa pagtapak
manhid na ang isipan.
Sa sumbat, puso’y
di makapagbingi-bingihan.
Di Gaanong Pinalad sa Buhay Ngunit Kung Pakikisama'y Palag
Nagigipit sa maibibigay
pero hindi sa maiaambag.
Di gaanong pinalad sa buhay
ngunit kung pakikisama’y palag.
advertisement
continue reading below