QuotetastropheLife-Learned Lessons in Quote Images & Videos

Connect with us on Facebook.

P.S. I wonder how many fireflies tsParticles released in our backyard?

Salapi ang Katumbas ng Paulit-ulit Nating Ruta

More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)

List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.

Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.


Panibagong Lungkot na Papawiin Nalang Uli sa Pagkayod

0 like

Panibagong umagang may lungkot,
papawiin nalang uli sa pagkayod.
Takasan ang sakit at magpagod.
Para tulog nalang luluha sa kumot.


Panginoon, Minsa'y Mahina Ngunit Buo ang Tiwala

3 likes

Panginoon,
hindi naman ako sumusuko.
Minsa’y mahina’t
natatakot lamang mabigo.
Ngunit buo ang tiwala
sa Iyong pangako.
Nakangiti pa ring sasabay sa alimpuyo.


Kapag Nawawalan ng Pagasa Iniisip ko ang Iyong Paalala

3 likes

Sa mga araw na
di umaayon ang tadhana.
Nakapikit kong iniisip
ang yong paalala.
Na NGUMITI PA RIN
at WAG MAWALAN NG PAG-ASA.
Dahil minsan,
hindi talaga parating masaya.
Basta huminga ng malalim
at mag…


Palayain ang Ating mga Puso sa Pighati at Harapin ang Hamon

3 likes

Palayain ang ating mga puso sa pighati
at harapin ang mga hamon ng walang pag-iimbot.
Ipagmalaki natin ang ating mga sarili
dahil tayo’y naharap sa pagsubok ng walang takot.

Tayo'y mga Pinoy, di papayag na matapakan,…


Ito Lamang Po ang Aming Hiling Diyos Ama

4 likes

Isang araw ulit na masaya.
Kitang sapat para sa pamilya't
maka-uwing ligtas ng maaga.
Yun lang po ang hiling, Diyos Ama.



Dehins Mo na Need Magpacute, Bomalabs Kitang Dedmahin

4 likes

DEHINS mo na need
magpacute sakin.
Bomalabs
naman kitang dedmahin.
Baka bonus kiss pa
kung palarin.
Lalo na kung may dala kang...


Para sa Kaginhawaan, Nakangiting Magsisikap at Magtitiwala

5 likes

Pagod na katawa’t matibay na pusong
nagsasakripisyo para sa pamilya.
Mapahikbi ma’y hindi pa rin susukong
abutin ang pangarap ng buong sigla.

Para sa kaginhawaan,
nakangiting magsisikap at magtitiwala.


Dahil Laging may Pangakong Bukas Para sa Naghihintay

8 likes

Panghuli…
Subukan mong makuntento,
iwasan mo ang inggit at pagkaganid.
Madalas mang kayong talo’y,
salamat pa ding malayo sa panganib.

Dahil laging may pangakong bukas.
para sa umaangkin at naghihint…


Sa Panahong Punong-puno ng Negatibong Bagay ang Mundo

7 likes

Sa panahong punong-puno
ng negatibong bagay ang mundo.
Humihingi po kami ng saklolo.
Panginoon, wag ka pong magsawang
gabayan ang mga kababayan naming
nasa kabilang panig ng mundo.


Nakikita ng mga Bituin ang Iyong Lungkot

11 likes

Nakikita ng mga bituin
ang iyong lungkot at paghihirap.
Sinasabi sa Diyos na dinggin
yaong mga dasal at pangarap.



Wag Mong Ipilit ang Sarili Mo sa Iba Magpa-Importante Ka

13 likes

Wag mong ipilit
ang sarili mo sa iba.
Kung talagang TUNAY,
kahit hindi ka kasama,
IMPORTANTE KA.


Dahil sa Ilang Tunay na Kaibigan

9 likes

Hindi yan sa kung gaano karaming
bote ang kinailangang itumba
para lamang mabuo ka.
Kundi dahil sa ilang tunay na kaibigang
nagtiyagang itulak ka sa panahong
walang wala ka na.
Kaya wag mong piliing mag-isa, PAHALAG…


Binago ng Panahon Pero Nakatatak pa rin ang Saya ng Kahapon

10 likes

Binago tayo ng panahon.

Yung mga dating puro tagay,
binigyan ng pagkakataon.
Mag-tyagang kunin ang tagumpay,
pagsikapang muling bumangon.

Humina man tayong tumagay,
nakatatak pa rin sa'tin ang saya ng kahapon.…


Panginoon, Tulungan mo po Kami

6 likes

Panginoon, tulungan mo po kami
sa panibagong pagsubok.
Bigyan mo po kami ng lakas at tapang
na umahon sa aming pagkalubog. Amen


Dumidilim, Gumiginaw Ngunit May Init ang Iyong Pagmamahal

10 likes

Dumidilim, gumiginaw
ngunit may liwanag at init
ang Iyong pagmamahal.

Pumapanatag, kumukulay
ang mundo Panginoon
pag sa Iyo'y nakasandal.