Sinusukuan ko nang Sumuko para Masabing Nagpapatuloy
Sep 15, 2024
Sinusukuan ko nang sumuko
para masabing nagpapatuloy.
Tiwala lang na nagsusumamo,
na giginhawa din ang pagdaloy.
Pagod, pero nakataas-noo
namang tatamasahin
ang mga biyayang isasaboy.
More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)
List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.
Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Tatanggapin nalang ang Kahinaang Hindi Matanggihan
Nagsawa na ang pusong
kumontra sa mga dahilan.
Tatanggapin nalang ang kahinaang
di matanggihan.
Hahayaan nang malunod
sa baluktot na katwiran.
Makinig sa mga nagsasabing
“hanggang dyan ka nalang”.<…
Daming Sagabal sa Daan, Pero Tuloy Kahit Masugatan
Daming sagabal sa daan,
pero tutuloy,
kahit alam nang masusugatan.
Sugal sa tamang paraan.
Pangarap ng pusong
handang kayanin ng katawan.
Kapag dasal n'yo ang tangan,
lahat ng takot
at pangamba'y nagiging …
Natatakot sa Kahihinatnan ng Mundong Kabi-Kabilaan ang Gulo
Natatakot sa
kahihinatnan ng mundo.
Kung kabi-kabilaan na
halos ang gulo.
At parang malabo sa
tanaw magkasundo.
Ano na nga bang
isasahog ko sa munggo?
Simulan ang Bagong Umagang May Ngiti't Nakatingin sa Larawan
May saya sa pagsalubong sa
panibagong Buwan.
Tila bagong biling kwadernong,
nakasasabik sulatan.
Bagong siglang haraping muli,
mga kabiguan.
Sisimulan ang bagong umagang
may ngiti’t
nakatingin sa ati…
Pinadapo ko ang mga Paru-paro para Lamang Maramdaman Ka
Pinadapo ko
ang mga paru-paro
para lang maramdamang
nandito ka pa.
Nagtatampo
na patuloy itong relo
sa nakasanayan,
kahit wala ka na.
Pinipilit nalang
ang pagod na puso
na ipagpatuloy
ang na…
advertisement
continue reading below
Limitado sa Kayang Gawin, Ngunit Hindi sa Kayang Matutunan
Limitado sa kayang gawin
ngunit hindi sa kayang matutunan.
Kapag puso na ang susundin
kahit takot, mapapagtagumpayan.
Mga Turo Mong Galing sa Puso ang Nagaalis ng Pangamba
Mga turo mong
laging galing sa puso.
Ang nagaalis
ng mga pangamba ko.
Siyang naging gabay sa
magulong mundong
laging sumusubok sa
katatagan ko.Salamat po Inay sa pagmamahal mo.
Dahil Pagpikit lang ang Lunas sa Pusong Namamanglaw
Nasasabik
sa bawat paglubog ng araw.
Dahil pagpikit lang ang lunas
sa pusong namamanglaw.
Gigising man na lungkot
ang nangingibabaw.
Tiwala pa ring may pag-asa
na sa’tin ay dadalaw.
Sa Pagdaan ng Ulan, Mababawasan ang Sakit na Nararamdaman
May lungkot ang hanging
dala dala ng ulan.
Tila tangan nito ang mga alaalang
gustong makalimutan.
Sa pagdaan nito
sa aking sinisilungan.
Nawa'y mabawasan din ang sakit
na nararamdaman.
May Sapat na Oras ka Para Sulitin ang Regalo ng Panginoon
Subukan mo pa rin.
Dahil may sapat na oras ka
para sulitin ang regalo ng Panginoon.
Huwag na huwag mong sasayangin.
advertisement
continue reading below
Kahit Madalas Bigo, Andyan Silang Unang Nagbibigay Yakap
Pagod sa pag-abot ng
mga pangarap.
Pero sa pamilya’y
nakangiti pa ring haharap.
Dahil,
Kahit madalas bigo
sa tinatahak.
Andyan silang
unang nagbibigay lakas at yakap.
Kapit Lang Tayo sa Panginoon Upang Maibsan ang Takot
Di alintana ang pagod
sa maghapong pagkayod.
Walang wala yun
kumpara sa nadaramang bagot.
Kalungkuta’y kaydalas
makapanghina ng loob.
Kapit sa Panginoon
upang maibsan ang takot.
Panginoon, Yakapin Mo Po Kaming mga Nagsisiksikan sa Lamig
Panginoon, Yakapin Mo po kaming
mga nagsisiksikan sa lamig.
Bigyan ng lakas upang
harapin ang daluyong ng langit.
Kahit Kaunti Lang Naman Po, Makabawi lang sa Pamilya
Kalamayin po
ang pusong nangangamba.
Hiling na biyaya’y,
bakit kayhirap makuha?
Hindi naman po
kailangan ng sobra.
Kahit kaunti,
makabawi lang sa pamilya.
Takot, pagkabigo’y,
nakakapanghin…
Nangangarap Kahit Simpleng Buhay Para Lang Di Mahusgahan
Nalilito dahil
puro pagkukulang.
Kahit anung pilit,
bigo pa rin sa inaasam.Nangangarap,
na kahit simpleng buhay lang.
Masabi lang na nakasabay
para di husgahan.
advertisement
continue reading below