Sisingilin ng Pagtitimpi ang Mapang-abuso sa Mahihina
Sep 19, 2024
Hindi na mauubusan
ng dahilang ngumiti
ang taong
masayang nagpapahalaga sa kapwa.Habang unti-unting
sinisingil ng pagtitimpi
ang mga
mapang-abuso sa mga mahihina.
More Quotes Posters About Inspirational(Tagalog)
Inspiring tagalog quotes to help keep our spirits high. Enjoy inspirational quotes in tagalog that will help uplift and encourage us to continue moving forward. Learn and share the resilience of the Filipino culture.
Here are more quotes posters about inspirational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Mundo Ko'y Mananatiling Nakatigil Para Iyong Maabutan
Hindi nalang didilat
para di maliwanagan.
Hahayaang tunaw ang puso
para di na mapakinabangan.
Tumuloy man ang oras
sa kanyang nakagawian.
Mundo ko’y mananatiling nakatigil
para ‘yong maabutan.
Pang-unawa, Minsan Kulang, Ngunit Mas Madalas Wala
Pang-unawa,
Minsan kulang, mas madalas wala.
Sa mundong uso ang kanya-kanya.
Biyaya ang mayroong pamilyang
palaging sa’ti’y nagpaparaya.
Mga Gurong Tulay at Pag-asa sa Bansang Bitin sa Pribilehiyo
Di matatabunan ng kontrobersiya
ang kanilang pusong nagsasakripisyo.
Sa larangang nagmumulat ng konsensya
minsa’y pagdadamutan pa ng saludo.
Dedikadong gumabay at umunawa
kahit pa minsa’y kulang sa benipisyo.…
Pursigidong Lahat ay Itaya sa Pangarap Nilaan ang Mata
Nangangarap lang
maging masaya.
Pursigidong lahat ay itaya.
Sa pangarap nilaan ang mata.
Ang ngayon ay binabalewala.
Nakalimutang walang kontrata
na magbabalik sa lumipas na.
Kung nakuntento na nga lang sana
Mundong Nabagal ang Ikot Kapag Tangan Mo ang Sakit
Puro negatibong sagot
sa mga tanong na “bakit?”.
Dating malaya sa poot
ngayo’y galit ang nalapit.
Mundong nabagal ang ikot
kapag tangan mo ang sakit.
Pangambang magpapalungkot
hanggang mawala …
advertisement
continue reading below
Walang Pag-asang Mabago ng Dalangin ang Hindi Takot Makarma
Pinili ko na lamang lumingon
para di na tumulo ang luha.
Pagod na sa nagawang delusyon
na magiging pag-ibig ang awa.
Ilang sampal ng realisasyon
bago natantong walang pag-asang,
mabago ng dalangin ang taong
hin…
Manhid, Pero sa Sumbat, Puso'y Di Makapagbingi-bingihan
Sugat-sugat sa
nilalakarang daan.
Tinitiis, hapdi ng
bubog ng nakaraan.
Kung sa pagtapak
manhid na ang isipan.
Sa sumbat, puso’y
di makapagbingi-bingihan.
Di Gaanong Pinalad sa Buhay Ngunit Kung Pakikisama'y Palag
Nagigipit sa maibibigay
pero hindi sa maiaambag.
Di gaanong pinalad sa buhay
ngunit kung pakikisama’y palag.
Hindi Titigil Hanggang Mismong Kabiguan na ang Mapagod
Hindi titigil sumubok
hanggang mismong
kabiguan na ang mapagod.
Sa b’yaheng madalas lugmok
may ngiti pa ri’t
sa Gabay Mo papaanod.
Dapat Pahalagahan ang Kahapon, Dahil di Kakampi ang Panahon
Sinusulit na
ang mga pagkakataon
dahil bawas na
ang ingay pag may okasyon.
Dapat pinapahalagahan
ang kahapon
dahil hindi laging
kakampi ang panahon.
advertisement
continue reading below
Singganda ng Bulaklak ang Iyong Ngiti, Hanap Lagi sa Pag-uwi
Singganda ng bulaklak
ang iyong ngiti.
Kumupas ma’y
laging nakabibighani.
Laging hinahanap-hanap
sa pag-uwi.
Pangakong iingatan
hanggang sa huli.
Nakasanayan na ba ng Mundong Mamunghi sa Nagkakamali?
Tila yata nakasanayan na
ng bagong mundo
na mamunghi sa nagkamali.
Tunay na mabisang patibong
sa matatalino,
para nga daw magtrend sandali.
Sumisipag ba
maghanap ng dahilan ang tao
pag may tatapakang kauri…
Papalinlang sa Ilusyong Ligtas sa Mundong Sa'kin Iikot
Dumilim na ang kulay ng kwartong
pinagtataguan ko ng lungkot.
Ngunit payapa pa rin ang pusong
magkulong at takasan ang takot.
Naduwag sa mga pagkabigong
hindi na mahanapan ng sagot.
Papalinlang nalang sa ilusyong
Nagkulay sa Mundo Kong Mag-isang Kailangang Tawirin
Tila pumayapa ang hangin
dahil sa iyong lambing.
Gumaan na ang paghinga’t
humina na ang pagdaing.
Nagising sa bangungot na
puno ng alalahanin.
Nagkulay sa mundo kong
mag-isang kailangang tawirin.
Sa Pagkabigo Umaasang May Mag-aabot ng Kamay sa Nakakalimot
Tumitingin sa bituin
kapag nalulungkot.
Tila sabik sa liwanag
dahil nalulugmok.
Sa pagkabigo umaasang
may mag-aabot
sa kamay na kapag masaya’y
nakakalimot.
advertisement
continue reading below