Nagkulay sa Mundo Kong Mag-isang Kailangang Tawirin
Tila pumayapa ang hangin
dahil sa iyong lambing.
Gumaan na ang paghinga’t
humina na ang pagdaing.
Nagising sa bangungot na
puno ng alalahanin.
Nagkulay sa mundo kong
mag-isang kailangang tawirin.
Sa Pagkabigo Umaasang May Mag-aabot ng Kamay sa Nakakalimot
Tumitingin sa bituin
kapag nalulungkot.
Tila sabik sa liwanag
dahil nalulugmok.
Sa pagkabigo umaasang
may mag-aabot
sa kamay na kapag masaya’y
nakakalimot.
Bulag sa Kahihinatnan, Buo ang Tiwala sa Panginoon
Iniwan ang nakasanayan
para baguhin ang kahapon.
Umaasang matatakasan
ang panghuhusga’t panghahamon.
Pagpipilitang masabayan,
ang masasakit na desisyon.
Bulag man sa kahihinatnan,
buo naman ang tiwala sa …
Talo na Sana Ako Kung Sinukuan Ko ang Pananalangin
Talo na sana ako,
kung sinukuan ko
ang PANANALANGIN.
Buti may Panginoong,
KUMAKAMPI
sa may mabuting hangarin.
Kung Natakot ka sa Karma Hindi ka Maiiwang Mag-isa
Kung natakot ka sana sa karma,
hindi ka maiiwang mag-isa.
Kung dati palang dininig mo na
ang kaniyang pagmamakaawa.
Tangan mo pa rin sana
ang dalangin nya.
advertisement
continue reading below
Salamat July, Kita Tayong Muli Pero Wala na Sanang Bagyo
Salamat July
sa mga natutunan ko.
Magkikita tayong muli,
pero wag ka nang magsama
ng bagyo.
Kung Para sa Pangarap at Ngiti Nila'y Pag-iipunan Ko
Gusto ko bago
para sa mga anak ko.
Para masabik sila
sa mga araw na ganito.
Hindi naman siguro yabang
ang tawag dito.
Kung para sa pangarap at ngiti nila'y
talagang pag-iipunan ko.
Sa Mundong May Lamangan Tuloy Parin sa Patas na Laban
Kapag walang bilang
ang pinaghirapan.
Tumingin nalang
sa iyong natutunan.
Sa mundong minsa’y
normal lang maglamangan.
Sana’y patuloy ka pa rin
sa patas na laban.
Espesyal ang Linggo Kapag Kasama ang Pamilya at Panginoon
Nagiging espesyal ang Linggo,
kapag sinama mo ang pamilya at
ang Panginoon sa pahinga mo.
Tayo't Bulag at Manhid sa Sugat ng Kalikasang Lumalala
Alam nating malupit
magturo ang TADHANA.
Ngunit tuloy pa rin tayo
sa PAGBALEWALA.
BULAG sa
sugat ng kalikasang lumalala.
MANHID sa pag-akalang
WALA NANG MAGAGAWA.
advertisement
continue reading below