Panginoon, Tulungan Mo po Kami sa Panibagong Pagsubok
Panginoon,
tulungan mo po kami
sa panibagong pagsubok.
Bigyan mo po kami ng lakas at tapang
na umahon sa aming pagkalubog.
Amen
Alam Ko ang Halaga Ko, Dahil Lagi Mong Pinapaalala
Kahit hindi ako ‘sing
tayog ng iba.
Kahit madalas talo
sa kumpetensya.
Kahit malayo ang sarili sa
pinapantasya.
Kahit ‘di ako ang pangarap
nilang makasama.
Alam ko ang halaga ko,
dahil lag…
Tatawanan din ang Kahapon at Magbubunga ang Hindi Pagsuko
Tatawanan din ng bukas
ang kahapon.
At magbubunga ang paulit-ulit
na pagbangon.
Mga di sinukuang
pagkakataon.
Magsusukli ng ginhawang
galing sa Panginoon.
Ang Iyong Ngiti ang Inspirasyon sa Pangarap na Itataguyod
Lahat ng ipong lungkot,
tila inaanod.
Palayo sa pusong
hirap sa pagkabukod.
Dahil sa’yong ngiti
nakakaya ang pagod.
Inspirasyon sa pangarap
nating itataguyod.
Salamat po sa Pagbibigay ng Lakas Kapag Kami'y Napapagod
Panginoon,
salamat po sa pagbibigay ng lakas
sa tuwing ako'y napapagod.
advertisement
continue reading below
Maliwanag na Muli ang Daan Tungo sa Pangarap na Naiwan
Maliwanag na muli ang daan
tungo sa pangarap na saglit naiwan.
Pagkakatao’y di bibitawan.
Kung nais ng puso’y dapat paghirapan.
Hindi Laging Tagumpay, Payapa Lang na May Ikinabubuhay
Panalangin Po
para sa simpleng buhay.
Hindi umaasang
palaging tagumpay.
Payapa lang
na may ikinabubuhay.
Uuwing pagod
pero may naghihintay.
Nagsasalo-salo sa kaunti,
sa loob ng ligtas na bahay.
Gigisingin ng 'Yong Ngiti na Pawi na ang Takot at Pangamba
Halos maluha tuwing gabi
habang kinakalkula
kung meron pang pag-asa.
Nasasayang na ang sandali
sa pag-iisip kung
may lunas pa sa pangamba.
Makatulog ng may pighati,
baka kinabukasa’y may hatid ng ligaya.<…
Daming Sagabal sa Daan, Pero Tuloy Kahit Masugatan
Daming sagabal sa daan,
pero tutuloy,
kahit alam nang masusugatan.
Sugal sa tamang paraan.
Pangarap ng pusong
handang kayanin ng katawan.
Kapag dasal n'yo ang tangan,
lahat ng takot
at pangamba'y nagiging …
Pursigidong Lahat ay Itaya sa Pangarap Nilaan ang Mata
Nangangarap lang
maging masaya.
Pursigidong lahat ay itaya.
Sa pangarap nilaan ang mata.
Ang ngayon ay binabalewala.
Nakalimutang walang kontrata
na magbabalik sa lumipas na.
Kung nakuntento na nga lang sana
advertisement
continue reading below