Sinusukuan ko nang Sumuko para Masabing Nagpapatuloy
Sinusukuan ko nang sumuko
para masabing nagpapatuloy.
Tiwala lang na nagsusumamo,
na giginhawa din ang pagdaloy.
Pagod, pero nakataas-noo
namang tatamasahin
ang mga biyayang isasaboy.
Bulag sa Kahihinatnan, Buo ang Tiwala sa Panginoon
Iniwan ang nakasanayan
para baguhin ang kahapon.
Umaasang matatakasan
ang panghuhusga’t panghahamon.
Pagpipilitang masabayan,
ang masasakit na desisyon.
Bulag man sa kahihinatnan,
buo naman ang tiwala sa …
Sa Pagdaan ng Ulan, Mababawasan ang Sakit na Nararamdaman
May lungkot ang hanging
dala dala ng ulan.
Tila tangan nito ang mga alaalang
gustong makalimutan.
Sa pagdaan nito
sa aking sinisilungan.
Nawa'y mabawasan din ang sakit
na nararamdaman.
May Sapat na Oras ka Para Sulitin ang Regalo ng Panginoon
Subukan mo pa rin.
Dahil may sapat na oras ka
para sulitin ang regalo ng Panginoon.
Huwag na huwag mong sasayangin.
Kung Natakot ka sa Karma Hindi ka Maiiwang Mag-isa
Kung natakot ka sana sa karma,
hindi ka maiiwang mag-isa.
Kung dati palang dininig mo na
ang kaniyang pagmamakaawa.
Tangan mo pa rin sana
ang dalangin nya.
advertisement
continue reading below
Salamat July, Kita Tayong Muli Pero Wala na Sanang Bagyo
Salamat July
sa mga natutunan ko.
Magkikita tayong muli,
pero wag ka nang magsama
ng bagyo.
Tuloy Lang, May Sustansya sa Pait, Namnamin Para Matuto
Magpatuloy lang
kahit minsa’y nakakapanlumo.
May sustansya sa pait,
namnamin para matuto.
Sa Mundong May Lamangan Tuloy Parin sa Patas na Laban
Kapag walang bilang
ang pinaghirapan.
Tumingin nalang
sa iyong natutunan.
Sa mundong minsa’y
normal lang maglamangan.
Sana’y patuloy ka pa rin
sa patas na laban.
Tayo't Bulag at Manhid sa Sugat ng Kalikasang Lumalala
Alam nating malupit
magturo ang TADHANA.
Ngunit tuloy pa rin tayo
sa PAGBALEWALA.
BULAG sa
sugat ng kalikasang lumalala.
MANHID sa pag-akalang
WALA NANG MAGAGAWA.
Makakalimutan ang Panahong Ika'y Minamahal at Iginagalang
Magsawalang-kibo,
dahil sanay na ring mabigo.
Magpapakumbaba,
dahil yun lang ang magagawa.
Magbakasakali,
aasang maging ayos muli.
Makakalimutan,
na may panahong
ika’y minamahal at iginagalang.
advertisement
continue reading below