Malamang sa Alamang eh, Hinayaan Natin Silang Ma-stress
Kung alam ko lang
na hindi bilang as one act of kindness.
Ang kusang pag-abot ko
ng mga bayad nila sa jeep.Malamang sa alamang eh,
hinayaan ko silang ma-stress.
Kulang sa Kulay ang Kwento ng Buhay Kung Walang Kalokohan
Kulang sa kulay
ang kwento ng buhay mo,
kung wala kang mga kababatang
kasamang bumuo nito.Kaway-kaway sa mga kaibigan nating
nagturo sa'tin ng mga kalokohan.
Paumanhin, Bihira Talaga Akong Sipagin Tuwing Lunes
Paumanhin, sa mga Lunes
na pumapatak ng ika-15 o ika-30
lamang talaga ako sinisipag.
Minsan Pilyo Din Ang Mundo
Minsan pilyo din ang mundo.
Tuturuan kang umasa't,
magmahal ng todo-todo.
Para lang saktan ng tao
na hindi naniniwalang,
dapat pag biyernes, munggo.
Saludo sa mga Kaibigan Kong Kumakayod
Saludo sa mga kaibigan kong
kumakayod kahit kulang sa TULOG.
Mga kaibigan kong PUYAT dahil beer
ang ginamit na pang-MUMOG.
advertisement
continue reading below
Dapat Talaga Sayo ang Buong Sahod Ko
Dapat talaga sayo ang
buong sahod ko. Dahil
habang nagtatrabaho ako,
maghapon kang nakaduty
sa isip at puso ko.
Buti Pa Sila Ligong Ligo
Buti pa sila LIGONG LIGO
kahit madaling araw.
Ako, tamang tago sa sulok
kasi talo sa GINAW.
Sa Inyo na ang Yaman
Sa inyo na ang yaman, pagibig
at kapangyarihan.
Basta pag umulan ng biyaya
akin ang masandal tulog na katangian.
Ngayon nga'y Nakamit na ang Minimithi
napilitang magpakilala sa iyong itay,
nangakong lagi ng susundin ang iyong inay,
napalaban para makuha ang iyong kamay,
ngayon nga'y nakamit na ang minimithing password ng inyong wifi
advertisement
continue reading below