"Pangarap ng mamà ay parang sa bata.
Tulalang na-asa, hiling ay ginhawa.
Kinulang sa gawa, puro lang salita.
Hiling ma'y makuha di ka rin hahanga.
“Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.”
Sino ngang may akdang, madaling umasa?
Maghintay sa wala'y sinsakit ng hiwa.
Hiling magdamaga'y kapagod sa dila.
Hintaying biyaya'y, lunuking may kutya.
“Ubos, ubos biyaya, bukas nakatunganga.”
Saglit lang magyabang, tipaklong madaya.
Tamad mag-gagawa, nagpagod sa wala.
Inunang maghiga, umasa sa kapwa.
Ligtas man ng iba'y lunod na sa hiya.
Maling magkritiko. Maling manghusga.
Buhay nga'y mahirap, lahat nadarapa.
Ngunit saan lulugar? Anong magagawa?
Kung wala sa tama'y, dapat bang mahiga?
Ngayon paano nga ba? Kung ang mundo mismo ang nagtutulak sayo para magkamali? Kung mismong ang panahon ang nag-kokontrol ng iyong gawi? Mapapa-tanong na nga lang tuloy...
Paano nga ba umasa ng tama? - 01/September/2009"