Ngayon nga'y Nakamit na ang Minimithi
Aug 08, 2020
napilitang magpakilala sa iyong itay,
nangakong lagi ng susundin ang iyong inay,
napalaban para makuha ang iyong kamay,
ngayon nga'y nakamit na ang minimithing password ng inyong wifi
More Quotes Posters About Tagalog
Looking for the best motivational and inspirational Tagalog quotes? Explore our collection of uplifting quotes in Tagalog that will inspire and motivate you towards success and happiness.
Here are more quotes posters about tagalog. Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.
Nagkulay sa Mundo Kong Mag-isang Kailangang Tawirin
Tila pumayapa ang hangin
dahil sa iyong lambing.
Gumaan na ang paghinga’t
humina na ang pagdaing.
Nagising sa bangungot na
puno ng alalahanin.
Nagkulay sa mundo kong
mag-isang kailangang tawirin.
Dahil Pagpikit lang ang Lunas sa Pusong Namamanglaw
Nasasabik
sa bawat paglubog ng araw.
Dahil pagpikit lang ang lunas
sa pusong namamanglaw.
Gigising man na lungkot
ang nangingibabaw.
Tiwala pa ring may pag-asa
na sa’tin ay dadalaw.
Sinusukuan ko nang Sumuko para Masabing Nagpapatuloy
Sinusukuan ko nang sumuko
para masabing nagpapatuloy.
Tiwala lang na nagsusumamo,
na giginhawa din ang pagdaloy.
Pagod, pero nakataas-noo
namang tatamasahin
ang mga biyayang isasaboy.
Sa Pagkabigo Umaasang May Mag-aabot ng Kamay sa Nakakalimot
Tumitingin sa bituin
kapag nalulungkot.
Tila sabik sa liwanag
dahil nalulugmok.
Sa pagkabigo umaasang
may mag-aabot
sa kamay na kapag masaya’y
nakakalimot.
Bulag sa Kahihinatnan, Buo ang Tiwala sa Panginoon
Iniwan ang nakasanayan
para baguhin ang kahapon.
Umaasang matatakasan
ang panghuhusga’t panghahamon.
Pagpipilitang masabayan,
ang masasakit na desisyon.
Bulag man sa kahihinatnan,
buo naman ang tiwala sa …
advertisement
continue reading below
Sa Pagdaan ng Ulan, Mababawasan ang Sakit na Nararamdaman
May lungkot ang hanging
dala dala ng ulan.
Tila tangan nito ang mga alaalang
gustong makalimutan.
Sa pagdaan nito
sa aking sinisilungan.
Nawa'y mabawasan din ang sakit
na nararamdaman.
Talo na Sana Ako Kung Sinukuan Ko ang Pananalangin
Talo na sana ako,
kung sinukuan ko
ang PANANALANGIN.
Buti may Panginoong,
KUMAKAMPI
sa may mabuting hangarin.
May Sapat na Oras ka Para Sulitin ang Regalo ng Panginoon
Subukan mo pa rin.
Dahil may sapat na oras ka
para sulitin ang regalo ng Panginoon.
Huwag na huwag mong sasayangin.
Kung Natakot ka sa Karma Hindi ka Maiiwang Mag-isa
Kung natakot ka sana sa karma,
hindi ka maiiwang mag-isa.
Kung dati palang dininig mo na
ang kaniyang pagmamakaawa.
Tangan mo pa rin sana
ang dalangin nya.
Salamat July, Kita Tayong Muli Pero Wala na Sanang Bagyo
Salamat July
sa mga natutunan ko.
Magkikita tayong muli,
pero wag ka nang magsama
ng bagyo.
advertisement
continue reading below
Kung Para sa Pangarap at Ngiti Nila'y Pag-iipunan Ko
Gusto ko bago
para sa mga anak ko.
Para masabik sila
sa mga araw na ganito.
Hindi naman siguro yabang
ang tawag dito.
Kung para sa pangarap at ngiti nila'y
talagang pag-iipunan ko.
Sa Mundong May Lamangan Tuloy Parin sa Patas na Laban
Kapag walang bilang
ang pinaghirapan.
Tumingin nalang
sa iyong natutunan.
Sa mundong minsa’y
normal lang maglamangan.
Sana’y patuloy ka pa rin
sa patas na laban.
Espesyal ang Linggo Kapag Kasama ang Pamilya at Panginoon
Nagiging espesyal ang Linggo,
kapag sinama mo ang pamilya at
ang Panginoon sa pahinga mo.
Kahit Madalas Bigo, Andyan Silang Unang Nagbibigay Yakap
Pagod sa pag-abot ng
mga pangarap.
Pero sa pamilya’y
nakangiti pa ring haharap.
Dahil,
Kahit madalas bigo
sa tinatahak.
Andyan silang
unang nagbibigay lakas at yakap.
Kapit Lang Tayo sa Panginoon Upang Maibsan ang Takot
Di alintana ang pagod
sa maghapong pagkayod.
Walang wala yun
kumpara sa nadaramang bagot.
Kalungkuta’y kaydalas
makapanghina ng loob.
Kapit sa Panginoon
upang maibsan ang takot.
advertisement
continue reading below