QuotetastropheLife-Learned Lessons in Quote Images & Videos

Connect with us on Facebook.

P.S. I wonder how many fireflies tsParticles released in our backyard?

Sa Panahong Punong-puno ng Negatibong Bagay ang Mundo

More Quotes Posters About Motivational(Tagalog)

List of motivating tagalog quotes that will encourage us in times of difficulty. Learn Pinoy resilience with our motivational quotes and be inspire to conquer your day to day challenges.

Here are more quotes posters about motivational(tagalog). Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.


Dahil Pagpikit lang ang Lunas sa Pusong Namamanglaw

2 likes

Nasasabik
sa bawat paglubog ng araw.
Dahil pagpikit lang ang lunas
sa pusong namamanglaw.
Gigising man na lungkot
ang nangingibabaw.
Tiwala pa ring may pag-asa
na sa’tin ay dadalaw.


Sinusukuan ko nang Sumuko para Masabing Nagpapatuloy

1 like

Sinusukuan ko nang sumuko
para masabing nagpapatuloy.
Tiwala lang na nagsusumamo,
na giginhawa din ang pagdaloy.
Pagod, pero nakataas-noo
namang tatamasahin
ang mga biyayang isasaboy.


Sa Pagdaan ng Ulan, Mababawasan ang Sakit na Nararamdaman

3 likes

May lungkot ang hanging
dala dala ng ulan.
Tila tangan nito ang mga alaalang
gustong makalimutan.
Sa pagdaan nito
sa aking sinisilungan.
Nawa'y mabawasan din ang sakit
na nararamdaman.


May Sapat na Oras ka Para Sulitin ang Regalo ng Panginoon

6 likes

Subukan mo pa rin.
Dahil may sapat na oras ka
para sulitin ang regalo ng Panginoon.
Huwag na huwag mong sasayangin.


Kahit Madalas Bigo, Andyan Silang Unang Nagbibigay Yakap

8 likes

Pagod sa pag-abot ng
mga pangarap.
Pero sa pamilya’y
nakangiti pa ring haharap.
Dahil,
Kahit madalas bigo
sa tinatahak.
Andyan silang
unang nagbibigay lakas at yakap.



Kapit Lang Tayo sa Panginoon Upang Maibsan ang Takot

7 likes

Di alintana ang pagod
sa maghapong pagkayod.
Walang wala yun
kumpara sa nadaramang bagot.
Kalungkuta’y kaydalas
makapanghina ng loob.
Kapit sa Panginoon
upang maibsan ang takot.


Panginoon, Yakapin Mo Po Kaming mga Nagsisiksikan sa Lamig

5 likes

Panginoon, Yakapin Mo po kaming
mga nagsisiksikan sa lamig.
Bigyan ng lakas upang
harapin ang daluyong ng langit.


Kahit Kaunti Lang Naman Po, Makabawi lang sa Pamilya

7 likes

Kalamayin po
ang pusong nangangamba.
Hiling na biyaya’y,
bakit kayhirap makuha?
Hindi naman po
kailangan ng sobra.
Kahit kaunti,
makabawi lang sa pamilya.
Takot, pagkabigo’y,
nakakapanghin…


Nangangarap Kahit Simpleng Buhay Para Lang Di Mahusgahan

5 likes

Nalilito dahil
puro pagkukulang.
Kahit anung pilit,
bigo pa rin sa inaasam.

Nangangarap,
na kahit simpleng buhay lang.
Masabi lang na nakasabay
para di husgahan.


Kapag Hindi Patas ang Mundo, Inaalala ko ang mga Ngiti Mo

7 likes

Kapag ramdam kong hindi patas
ang mundo,
inaalala ko ang mga ngiti mo.

Hindi man panalo sa araw na ito
alam kong sa susunod, kakayanin ko.

Dahil sa pag-uwi,
ang yakap mo ang premyo ko.



May Biyayang Sigla ang Unang Araw ng Panibagong Buwan

7 likes

May biyayang sigla
ang unang araw ng panibagong buwan.
Sabik na kong kalimutan
ang mga mali nung nakaraan.


Panginoon, Hiling Po'y Kaunting Kapanatagan ng Loob

9 likes

Hiling po’y kaunting kapanatagan ng loob.
Upang maibsan ang lungkot na dulot ng pagod.
Sa mga pagsubok na parang nakakalunod.
Dalangin po naming, ang nais Mo ang masunod.

O kaya minsan po’y umambon ng unli saho…


Nadarama ang Biyaya ng Langit Kapag Nakakapit Sayo

7 likes

Dahil sa tuwing
kakapit Sayo ng mahigpit.
Nadarama ng buo
ang biyaya ng langit.

Limot ko ang layo,
ang lungkot ay nawawaglit.
Saglit kong panalangin,
ligaya ang kapalit.


Bawat Patak ng Ulan ay Nagpapaalala ng Iyong Pag-iwan

7 likes

Malungkot na
ang himig ng ulan.
Bawat patak
ay nagpapaalala ng iyong pag-iwan.
Mga pangako mong
inanod lang.
Sana sa pag-araw,
madali na rin kitang malimutan.


Para sa Pangarap ng Pamilya, Buhay Lagi ang Pag-asa

5 likes

Salamat po sa linggong
may biyayang pahinga.
Malungkot ma’t
malayo sa mahal kong pamilya.
May ngiti ko pa ring haharapin
ang umaga.
Para sa pangarap,
buhay lagi ang pag-asa.