Sabi ng Tropa Tumingin sa Langit Kapag May Problema
Sabi ng tropa tumingin lang
sa langit pag may problema,..
pagtingala ko hinubuan na ko
ng mga p*nyeta!
Ito Lamang Po ang Aming Hiling Diyos Ama
Isang araw ulit na masaya.
Kitang sapat para sa pamilya't
maka-uwing ligtas ng maaga.
Yun lang po ang hiling, Diyos Ama.
May Karapatan pa nga ba Akong Mag-aksaya ng Tubig?
Panay ako reklamong mainit.
Kaya pa naman ding magpalamig.
Bulag sa kalagayan ng ilang
ni iinumin walang maigib.May karapatan pa nga ba kong
mag-aksaya ng tubig?
Panginoon, Tulungan Mo po Akong Harapin ang Kalungkutan
Panginoon...
Tulungan Mo po akong harapin,
mga nakalaang kalungkutan.
Patnubaya't turuang sinupin,
pinangako Mong kaligayahan.
Kung Para sa Pamilya'y Kayang Magtiis, Mabigay Lang ang Nais
Hayaang maghalo ang luha at pawis.
Nang walang makarinig sa'ting pagtangis.
Kung para sa pamilya’y kayang magtiis.
Di mapapagod, mabigay lang ang nais.
advertisement
continue reading below
Salamat Inay sa Walang Sawang Dalangin Para Saking Tagumpay
Salamat po Inay
dahil palagi kang nakagabay.
Mabalewala ma’y
wala paring sawang umagapay.
Busilak mong puso
na saki’y palaging naghihintay.
Walang pagod sa pagdalangin
para saking tagumpay.…
Dehins Mo na Need Magpacute, Bomalabs Kitang Dedmahin
DEHINS mo na need
magpacute sakin.
Bomalabs
naman kitang dedmahin.
Baka bonus kiss pa
kung palarin.
Lalo na kung may dala kang...
Para sa Kaginhawaan, Nakangiting Magsisikap at Magtitiwala
Pagod na katawa’t matibay na pusong
nagsasakripisyo para sa pamilya.
Mapahikbi ma’y hindi pa rin susukong
abutin ang pangarap ng buong sigla.Para sa kaginhawaan,
nakangiting magsisikap at magtitiwala.
Binago ng Panahon Pero Nakatatak pa rin ang Saya ng Kahapon
Binago tayo ng panahon.
Yung mga dating puro tagay,
binigyan ng pagkakataon.
Mag-tyagang kunin ang tagumpay,
pagsikapang muling bumangon.Humina man tayong tumagay,
nakatatak pa rin sa'tin ang saya ng kahapon.…
Malamang sa Alamang eh, Hinayaan Natin Silang Ma-stress
Kung alam ko lang
na hindi bilang as one act of kindness.
Ang kusang pag-abot ko
ng mga bayad nila sa jeep.Malamang sa alamang eh,
hinayaan ko silang ma-stress.
advertisement
continue reading below